Friday: 2007年 9月 28日, 12:29 PM

Filed as Version 1.1     Life, Network, School

Nani!? Yay! Congratulations to me! Nakapag-version 1.1 agad ako ng design ko sa tempong ito! *confetti* Hahah… sa nakikita nyo ay maraming pagbabago kumpara sa naunang disenyo (malas nung mga hindi nakakita nung first version). Hahah… aba teka… purong tagalog na ba ito?

Gutom na ako kung alam nyo lang, kakatawag nga lang sa akin ng aking butihing ama at ako’y pinapauwi na. Hindi pa kasi ako naghahapunan… hay. Gusto ko sanang maglagay ng comment links sa bawat entries ko kaya lang ay sayang sa space. Nasa geocities lang ito at alam naman nating 15MB lang ang allowed kapag free web. Pero ayus na ito basta’t may guest book… di ba? Di ba? Napakalakas ng aking enerhiya ngayon… hindi ko mapigilan ang lakas ng chi na dumadaloy sa buo kong katawan! At bukas ay PresTech na naman, duguang pagguhit na naman at ang walang kamatayang painting! ROAR!!!

Sige, hanggang sa susunod ulit mga kaibigan. Mag-ingat at magandang gabi sa inyong lahat. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*:

: